selfish? love isn't.

ayoko sa mga taong may pagmamahal sa iba na umuusbong lamang kapag napunan na ang pansariling pangangailangan. yung tipong maalala lang ang kasintahan pagkatapos mapunan ang luho at mabigyan ng nais na yaman. mahirap din umasa at suklian ng pagmamahal ang taong umiibig sayo pero galing sa mga nakatataas na estado ng lipunan. ang taong nasanay sa yaman at bumaba mula sa tuktok ng kayamanan kinalaunay maghahanap din ng paraan para makabalik sa itaas. at kapag napunan na ang kanilang nais ay yuyuko at hahanapin ang mga taong kanilang iniwan.

oo at kinaiinggitan ko sila. silang may kakayanang pagbigyan ang bugso at nais ng katawan. silang kumakain ng tatlong beses o higit pa sa isang araw. silang nakakatulog ng walang inaalala pagising.

oo at kinaiinggitan ko sila. pero awa ang aking nararamdaman sa mga taong kanilang iniiwan sa tuwing bumabalik sila sa dalang adiksyon ng kayamanan at masarap na buhay. samantalang silang nasa ibaba ay nagtitiis sa mabigat na dalahin. silang hirap na hirap makakain ng tatlong beses sa isang araw. silang naghahanap ng maayos na tulugan. sinong may sabi na posible ang pagiibigan ng dalawang taong nasa magkabilang dulo ng tatsulok. na ang isa'y kahit pagtingala ay nahihirapan at ang isa'y patuloy na naghahangad ng yaman. ilang kwento na ba ang inyong narinig tungkol sa among umibig sa kasambahay? o CEO na nagmahal sa tindera ng kendi? ang mga kwentong ganito ay sa telebisyon lamang nagyayari. ang mayayaman ay nagaasawa ng mayaman. at ang dukha ay iibig sa kapwa niya dukha. at ang pagmamahalan ng magkabilang panig ng mundo ay mananatiling kathang isip.

di ako naniniwala sa mga lulong sa sarap na sinasabihan ang isang kapos sa lahat na "ikaw na lang ang hinahanap ko" o "kinumpleto mo ako" dahil kahit kelan, hindi maibibigay ng isang tao sa iba ang mga bagay na hindi niya kayang ibigay sa kanyang sarili.

mapait isipin ngunit hindi pagmamahal ang nararamdaman ng isang tao na hindi matalikuran ang nakagisnang yaman para sa tinatawag niyang irog kundi kasakiman. kasakimang dulot ng pagnanasang makuha ang lahat ng kanyang maibigan mapunan lamang ang pansariling pangangailangan.

Labels: , ,