kinailangan kong bumangon ng maaga para samahan ang aking mga kaibigan na magapply sa isang institusyong aking pinagapplayan. wala pang alas-otso ng umaga ay nakarating na ako ng philcoa at nagabang ng fx patungong taft avenue, manila.
napaghahalataang di na ako sanay magcommute lalo na ng ganung oras. di ko inasahan ang dami ng bilang ng taong nagaabang ng masasakyan papuntang buendia. idagdag mo pa ang mga pulis at alagad ng mmda na nanghuhuli ng mga pasaway na driver na nagsasakay at nagabababa ng mga pasahero sa maling lugar. kaya't ang iba (tulad ko) ay aligaga kung saan pupwesto para makasakay.
may napansin akong iilang mga tao na parehas din ang hanap sa fx tulad ko. pero lahat sila, di nagtagal ng 10 minuto para makasakay. para silang mga sawang sumusungab ng bigla sa pagkain. nakakasakay agad at di naranasang pagpawisan.
 |
hindi siya iyan. |
lagpas-alas otso na. ang sakit na sa balat ang sikat ng araw. unti unti ko nang nararamdaman ang init at naguumpisa nang pawisan ang aking noo at batok. naisipan kong sumakay ng taxi kahit hanggang edsa-hi way lang. sa palagay ko'y mas mabilis akong makakakita ng masasakyan doon. napansin ko ang isang binatilyong pumara ng taxi para sa dalawang matanda. isinakay niya iyon sa taxi. at kumatok sa bintana ng drayber. ngunit isang iling lang ang nakuha nito.
nakasuot ang binatilyo ng lamaking kamiseta na di mo mawari kung kulay pula o itim dahil sa kalumaan. maitim ang kulay ng kanyang balat malamang dahil na rin sa pagkakabilad nito sa araw. naka maong na pambaba at nakatsinelas. lagpas limang talampakan ang tangkad nito at payat ang pangangatawan. humahabol siya sa mga jeepney na nagsasakay ng pasahero at umaabot ng konting barya.
pero may kakaiba sa binatilyong ito. hindi siya tulad ng ibang "barker" na nakikita o naririnig ko. di ko maintindihan ang isinisigaw ng batang ito. tanging ungol lamang ang lumalabas sa kanyang bibig. gamit ang barya pangkatok sa mga gilid ng jeep, at ang kanyang mga kamay para tumawag ng pasahero, pinipilit niyang mapansin siya ng mga nagaabang ng masasakyan at mapuno ng pinagseserbisyohang jeepney sa pag-asang maabutan siya ng konting barya... pipe ang binatilyo.
pinipilit niyang magsalita para bigkasin kung saan ang takbo ng bihaye ng jeep tulad ng ibang "barker" sa kalsada. ngunit ungol lang ang kaya niyang ibigay. pero sa kabila nito, pinapara niya ang bawat jeep na dumarating at pinagtatawag ito ng pasahero.
hindi ko naintindihan kung anong naramdaman ko sa binatilyong ito. halos magkaedad lang kami sa pagkakatingin ko. namangha ako sa kanyang kasipagan at determinasyong maghanap-buhay. ngunit naawa ako dahil kung sino pa ang may kapansanan, sila pa ang hirap sa buhay.
ngayon sabihin sa akin ng iba na mahirap maghanap ng trabaho dahil high school lang ang tinapos. o yung ibang mas pinipiling magnakaw at manlamang ng kapwa dahil nahihirapan sa buhay. di ba nila naisip na mas mahirap maging barker ng pampublikong mga sasakyan kung di ka makapagsalita? o maging takatak-boy (yung mga nagbebenta ng kendi, dyaryo at iba pa sa mga tumatakbong sasakyan sa kalsada) kung pilay o putol ang mga paa? minsan kelangan natin magpasalamat sa mga bagay na meron tayo. dahil hindi lahat naging mapalad na magkaroon kung anong meron ka. at sana matuto tayong tumulong sa iba. saludo ako sa mga drayber ng jeepney. sa mga barker. sa takatak-boys. sa nagbebenta ng taho, balot at gulay. saludo ako sa mga gumigising ng maaga para kumakayod. nawa'y pagpalain kayong lahat.
*photo credits to Lorenzo Nanagas Photography at DeviantArt.comLabels: life, reactions, realization